Ang Problema
- Gerard Salimpade
- Oct 6, 2011
- 2 min read
Bakit nga ba andami daming problema? Problema sa bahay, problema sa trabaho, problema sa pag-ibig, problema sa lipunan, problema sa sarili, at problema sa mukha... Kung wala kang problema, 'di ka normal na tao. P*ny*ta, 'bat nga ba lagi nalang may problema. Sabi nga nila, parte na 'yon ng buhay ng tao. Hindi mawawala, at hindi na magbabago. Ganun ang mundo. Ito raw ang naghuhubog sa buhay ng tao. Binigay upang mas mapagbuti natin ang ating mga sarili... Eh kung gayon, bakit sa kabila ng tone-toneladang problemang bumubuhos sa ating lipunan araw-araw, mula pinakasimple hanggang sa pinakakomplikado eh wala pa ring pagbabago sa bansang Pilipinas? ...kung pa'no harapin ang suliraning pinagdadaanan? siguro nga. 'Di dapat takasan ang problema... isa pa sa mga madalas sambitin ng mga tinamaan ng magaling. Napakadaling sabihin. Kesyo ganito, ganoon, anggaling magpayo pero pag siya na nakasalang, kamote na. Hindi malutas ang sariling pinag-dadaanan. Naalala ko yung sinabi samin dati ng english instructor namin sa high school (salamat sa Alma Mater kong Marist), na ang problema ay maaring ihalintulad sa isang bangko. Buhatin mo ng nakalayo sa iyo, diretso ang mga braso ay talaga namang nakakangawit. Subalit subukan mo itong yakapin ay mas dadali. Oo nga naman, may point. Tinawag ko 'yong Talinhaga ng Bangko. Minsan, ang tao nalang din daw ang nagpapahirap sa sarili. Yung maliit, pinalalaki. Yung simple, ginagawang komplikado. Parang math, may short method, pero pinili pa yung long method (hindi lang sa math, meron din sa programming yan). Kung gaano kabigat ang isang suliranin ay nakasalalay din sa perspective ng tao...pano niya ito nakikita, tinitignan, nilalasap. Maaring malaki to sa kanya, subalit maliit sa iba. Bakit? Hindi naman pareho ang pinagdadaanan nila. Tulad nga ng nabanggit, nakasalalay din nga ito sa perspective ng tao, sa kanyang point of view. Tulad ng isang rebulto, ang sasabihin ng nakakakita sa bandang kaliwa ay maganda, ang nasa kanan naman ay magsasabing hindi, may pangit, may kulang. Natural magkaiba ang pananaw dahil magkaiba ang side na nakikita nila, pero iisa lang ang pinagtatalunan. 'muntanga lang. Etoh pa isa...sabi nila, ang problema dinadaanan lang, hindi tinatambayan. Iba na rin sa panahon ngayon, hi-tech na rin ang suliranin dahil tila may heat seeking device na kahit san ka magpunta eh andun pa rin siya at natutunton ka. Kung anu't ano pa man yan eh depende nga siguro talaga sa pinagdadaanan ng bawat isa. Kanya-kanyang rason, kanya-kanyang pananaw, kanya-kanyang style. Ang sa'kin lang, imbis na kutyain, usisain, tirahin, pagtsismisan, at pagbulungan ang isang taong may pinagdadaanan... 'bat di nalang tulungan ng totoo at bukal sa loob; at kung hindi rin lang eh manahimik nalang.
Comments