top of page

Media, sa Liwanag ng Katotohanan... sa Anino ng Kahalayan

Kung industriya lang din naman ang pag-uusapan, wala na yatang mas lalaki at mas iingay pa kesa sa Mass Media. Oo nga’t nandyan ang IT pero hindi lahat ng tao ay nakalalasap nito, ‘di tulad ng kakaibang romansang dala ng media. Teka, ano nga ba ang media o mass media? Ito lang naman ang nagbibigay ng anu mang impormasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan. “Mass media is communication—whether written, broadcast, or spoken—that reaches a large audience. This includes television, radio, advertising, movies, the Internet, newspapers, magazines, and so forth.” -cliffnotes.com Ilan lang sa mga dambuhalang korporasyon na nasa industriyang ito ay ang ABS-CBN, GMA, at TV5. Nagsimula pa man sa ating bansa noong panahon ng mga kastila sa pamamagitan ng mga pahayagan. Taong 1811 nang naipalimbag ang kauna-unahang pahayagan sa Pilipinas, ang Del Superior Govierno. Nasundan ng La Esperanza, Diario de Manila, El Ilocano, at El Hogar. Kung hindi man kaalaman, ay kagalakan o entertainment ang binibigay ng media. Tila, hindi na rin ito maiaalis sa buhay natin at talaga namang nakakatulong mula paggising palang sa umaga upang mabalitaang walang pasok galing sa gumagaralgal na radyo, hanggang sa Lupang Hinirang kasunod ang Signing-off ng TV channel. Ibang klase… Segundo hanggang minuto lang ang pagitan natin mula sa mga tao at pangyayaring ilang libong kilometro ang layo. Paano nalang ang buhay natin kung wala toh? Pero… hindi natin maikakaila na sa kabila ng nakasisilaw na liwanag na binibigay ng media, eh meron din itong nakaduduwal at nakasusulasok na baho. Mula sa mga walang katorya-toryang programa sa radyo hanggang sa mga walang ka-kwenta kwentang palabas sa telebisyon, patuloy na nahuhumaling at nalilinlang ang libo-libong Pilipino. Naaalala ko sa isang pelikula, Ako Legal Wife, matatas ang pagkakasabi ng anak doon ni Jay Manalo... Tanong ng bata “Papa, ano po ba ‘yong kerida?”. “San mo nakuha yan ha?”, sagot ni Jay. “Sa drama tv…” sumagot ang bata. “masarap daw po maging kerida, kaya paglaki ko, gusto ko maging kerida”, dagdag pa ng anak nito. ...Yung sumunod eh nag Instik na sa galit si Jay Manalo kaya ‘di ko na naintindihan. May subtitle yata yun non pero ‘di ko matandaan. Natawa talaga ko sa eksenang ‘yon, pero sa kabilang banda eh nakakalungkot. Isang halimbawa lang ng realidad na dulot ng media sa kabataan ngayon. Mula sa kaartehan hanggang kalokohan. Mula kalandian hanggang kahalayan. Lintik na yan, san pa nga ba mapupulot ng kabataan ngayon ang pananamit ng shorts na kita ang singit at blusa o sandong butas-butas o punit-punit naman ang likod. Kalat na nga ang manyakis sa bansang toh, lalo niyo pang pararamihin. Tang-ina this nga naman oo. At saka niyo sasabihin saming hindi kayo malandi? Nek-nek niyo! Bukod pa sa kahalayang dala eh ang mga panlilinlang at kasinungalingang ihinahayag media. Ang paggawa ng tsismis para lang makagawa ng kaakit-akit na scoop... Ang pag-iiba o pagdadag-dag sa orihinal na storya para lang lumaki at tumaas ang ratings. Grabe rin eh noh, gagawin lang lahat para lang sa ratings at dumami ang taga-suporta ng pahayagan o programa. Isa na rin sa pinakamalala at pinakanakakaumay na elemento ng media ay ang tabloid. Halos hindi mo na maipag-iba sa porno dahil sa star lang ang idinagdag sa tuktok ng dalawang bundok na dapat pinakaiingatan ng babaeng artista o modelong nasa cover page ng dyaryong iyon. Igalaw ng kaunti ang mga mata papunta sa mga headlines na kulay pula at ang mga ito ang mababasa mo: 1. ”Ginang, nanganak ng dalag” 2. “Scuba diver instructor, nilunod ni kumare!” 3. “Yaya, niyari ni kuya!” 4. “Jay Ilagan, hindi naka ilag!” 5. “Lola tinurbo ng apo!” 6. “Buntis na asawa ng photographer, nakunan!” 7. “”Titser na nakasuhan, tinuruan ng leksyon!” 8. “Tindera Ng Suka, Tinoyo!” 9. “9,000 babae sa Negros, wala nang panty!” 10 “Baklang Umawat Sa Away Ng Mga Pogi, Napasubo!” 11. “Unanong Nanalo Ng Lotto, Nagmalaki!” 12. “Bulag Na Nag-Amok, Nagdilim Ang Paningin!” 13. “Buntis Sinaksak, Sanggol Naka-Ilag!” 14. “Tahanang Walang Hagdan, Inakyat!” 15. “Kaso Ng Basurero, Binasura Ng Korte!” 17. “Bgy. Mataas Na Lupa, Binaha!” 18. “Pilay, Tinakbuhan Ang Utang!” 19. “Labanderang Palpak, Sinabon Ng Amo!” Kung anu pa man ang ipinaparating sa atin ng industriya ng media, hindi maikakailang napakalaki ng epekto nito sa buhay ng tao, partikular sa kulturang Pilipino. Wala itong pinipili, mapa-bata man o matanda. Oo nga’t nandyan minsan ang paalalang SPG o Strong Parental Guidance, subalit hindi sa lahat ng pagkakataon ay meron nito, at hindi sa lahat ng pagkakataon ay nandyan ang magulang para gabayan ang kani-kanilang mga anak. Ang pinakamasakit pa eh, hindi lahat ng magulang eh ginagabayan ang kanilang mga anak. Nakakalungkot at nakakainis isipin na gigising ka sa umaga na ang maririnig mo ay mga batang naglalaro sa lansangan, bigkas ang kanya-kanyang malulutong na mura, mula “Putang-ina mo”, “Gago ka pala eh”, hanggang “Oy, tarantado ka” at kung anu-ano pa. Wag sanang dumating ang panahon na tuluyan nang patakbuhin ng impluwensya ng media, ang bawat kilos… ng bawat tao…

Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page