Burak ng Sistema
- Gerard Salimpade
- May 9, 2012
- 1 min read
Yumukod, tumupi
Lumuhod, sumunod
Panay ang pagkubli
‘Di ka ba napapagod
Lagi ang pagtiklop
Tila baga kumot
Tuloy ang pagdarahop
Araw-gabi nayayamot…
Sa gawa mo’y sila ang nagtamasa
Habang ika’y hirap, sila’y pasasa
Bumangon ka, lumaban ka
Kung alam mong ikaw ang tama
‘Di ka ba nagsasawa
Pilipinong manggagawa
Basta’t sila ang bahala
Ikaw lagi ang kawawa
Umahon sa burak ng sistema
Sa gapos ng pananamantala’y kumawala
Bumangon ka, lumaban ka
Kung alam mong ikaw ang tama
Comments