top of page

Manggagawang Alipin ng Kapwa

  • Gerard Salimpade
  • May 4, 2012
  • 1 min read

Simpleng manggagawa,

‘Di ka ba nagsasawa

Nagtatrabaho, nagtatrabaho

Alipin ng kapwa tao

Kumakayod, nagsisikap,

‘Sintaas ng alapaap

Tatakbuhin, hahabulin

Pangarap na kay hirap abutin

Nauutal, naduduwal

Sa sahod mong butal butal

Hanggan kelan mo payayamanin

Amo mong kay sarap ibitin

Pag may kailangan sayo ay magaling

Pagtalikod mo, nakangisi ang balimbing

Patuloy na nagtitiis

Pasensya mo’y numinipis

Magtyaga lang nang magtyaga

Hanggang ikaw ay matulala

Isipan ngayo’y gumagala

Sarili mo ay nagwawala

Ngayon tanan mo'y patalim

Paghinga’t pagtingin ay lumalalim

Magdiwang sa bukal na mapula

Kagalakang makapapantay ay wala

 
 
 

Comentarios


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page