Sarap at Halimuyak ng Bawal
- Gerard Salimpade
- Nov 29, 2011
- 4 min read
Masarap daw ang bawal... Talamak na talamak na maririnig ito, lalo na sa mga kabataan ngayon... Iba na nga talaga ang ang perspektibo ng henerasyon na toh, pero teka, hindi yan yung paksa eh. Bawal... masarap... nakakatukso... nakahuhumaling... Eh...anu nga ba yung mga bawal? Tsokolate? Fatty foods? (liempo, lechon kawali, crispy pata) Drugs? Sex? Alak? Computer Games? Teka lang ha, bawal ba talaga? ...suriin natin. Nagiging bawal lang naman ang mga bagay na ito kapag wala sa lugar o kaya nama'y pag may kalabisan na. Ang tsokolate, ito ay isang raw or processed food produced from the seed of the tropical Theobroma cacao tree, kaya't ang tsokolate ay hango sa uri ng gulay. Oo gulay, and vegetables are good for your health! Ayon din kay Dr. Bill Webster sa isang artikulo niya, "Chocolate is derived from cocoa beans. A bean is a vegetable. Sugar is derived from either sugar cane or sugar beets. Both are plants, which place them in the vegetable category. Thus, chocolate is a vegetable. To go one step further, chocolate bars contain milk, which is a dairy product, and who can argue the dietary importance of that."Eh... yun naman pala eh... so anung masama dun? Anung bawal dun? Bawal lang kung labis... ang labis na pag-intake ng pagkain na may mataas na sugar content ay nagreresulta ng mataas na porsyento ng glucose production sa dugo. Kasabay noon ay lumilikha ang katawan ng hormone na tinatawag na insulin upang makalikha ng enerhiya mula sa glucose. Ay teka, tama na nga yan, hindi naman toh sineskwela eh, hahaba lang ang usapan. Basta ang point, hindi tayo super-hero upang habang buhay na mapapantayan ng insulin production ng katawan ang sugar intake natin... kaya ang resulta, nattriger ang diabetes. Pangalawa, fatty foods... naku, high blood di'ba... stairway to heaven ika nga, pero tulad ng tsokolate, may nutrition facts ang fatty foods. Ayon kina Dr. William Sears, MD at Dr. Martha Sears, RN: Fats provide energy, Fats build healthy cells, Fats build brains, Fats help the body use vitamins, Fats make hormones, Fat provides healthier skin, and Fat forms a protective cushion for your organs. 'Nak ng teteng, dami palang magandang nagagawa nun eh, so 'bat tayo takot dun? Siyempre nga, masama kapag labis na. May partikular na sukat lang ang mga bagay na kayang tanggapin ng katawan ng tao. Try mong uminom ng isang galon, ewan ko lang kung 'di bumulwak bibig mo. Drugs, ano ba pagkakaintindi mo sa drugs? Ayon sa diksyonaryo, a drug is any substance that, when absorbed into the body of a living organism, alters normal bodily function. So anong masama don?Marami ang nagddrugs... pag nag-paracetamol ka nagdrugs ka, pag nag-ibuprofen ka nagdrugs ka, pag-loperamide ka nagdrugs ka. Anung masama sa drugs? Meron kasing medicinal drugs at prohibited drugs. Ang mga nabanggit ay kabilang sa medicinal, at mayroon namang illegal drugs na ginawa hindi upang magbigay lunas sa karamdaman kundi upang magbigay ng kakaibang sensasyon o matinding kaginhawahan sa pakiramdam na nagdudulot ng side effects sa pag-iisip ng tao. Isa sa kabilang na prohibited drugs ang marijuana. Ito ay isang uri ng herbal plant na ginagamit na mula pa noong 2700 B.C. sa Tsina. Ginagamit ito upang magbigay lunas sa ilang karamdaman tulad ng sakit ng ulo, sakit ng ipin, dysmenorrhea, nausea, rheumatism, at iba pa. Laganap ang paggamit nito bilang herbal medicine hanggang 1900's at nirereseta rin ng ilang espesyalista. Nang maglaon ay nagkaroon ng The Controlled Substances Act of 1970 at naging kabilang na ang marijuana sa addictive and prohibited drugs. Tulad ng ilang pagkain, may mabuting dulot ito subalit nakapipinsala ang labis. Pang apat, sex. Masama ba ang sex? Ginawa nga ito upang dumami ang lahi at isa ito sa mga biyaya ng Diyos ayon mismo sa biblical scholars. Ang issue sa sex ang isa sa pinakatalamak at mainit na issue bukod sa ipinagbabawal na gamot sa buong mundo. Kapag wala sa lugar ito masama. Ang pakikipagtalik sa hindi mo kabiyak ay imoral, ganoon lang kasimple yon. Hindi na kailangan pang palawakin pa ang paliwanag. At pag labis... "manyak ka". So masama ba ang sex? Hindi. Masama ito kung wala sa lugar at kung labis. Pang lima, alak. Ang alak ay parte na ng buhay ng tao mula na noong unang panahon. Dadaan sa ilang proseso ang ubas ubang gawing alak. Wag natin kalimutan na maging sa panahon ni Kristo ay hindi nawawala ang alak sa anumang selebrasyon at maging sa hapag ng bawat pamilya. Maging sa huling hapunan at ito mismo ang isa sa mga simbolismong ginamit ni Hesus. Masama lamang ito kapag sumobra sapagkat nagbibigay ito ng kakaibang lakas ng loob. Kalimitang isinisisi sa alak ng maraming tao maging ng kabataan ang kanilang mga pagkakamali, kesyo hindi na nila alam ang kanilang ginagawa. Pero teka, hindi yata ako naniniwala doon. Nagawa ko nang uminom ng napakaraming beses, maging araw-araw noon, at naranasan ko nang malasing ng todo (talagang wasak na wasak) pero bawat butil ng ginagawa ko ay alam ko pa rin at natatandaan ko pa rin. Totoong ang labis na alkohol ay nagdudulot ng pinsala dahil sa binibigay nitong lakas ng loob subalit hindi ito nagbibigay ng dahilan upang hindi na alam ng umiinom ang kanyang ginagawa. Pang anim, computer games. DOTA, Ragnarok, Counterstrike, MU, Angry Birds, Cityville, Farmville, Streetfighter, at kung ano-ano pa. Saya maglaro gamit ang napapanahong teknolohiya 'di ba. Pindot dito pindot doon habang nakaharap sa monitor, para ka nang nasa ibang mundo na parang ikaw mismo ang nasa laro. Sinong nagsabing walang mabuting epekto ang computer games? Dahil dito natututo tayong sa instructions, napag-iibayo ang kakayanan sa Problem solving and logic, napagbubuti ang Hand-eye coordination, fine motor and spatial skills, nagkakaroon ng teamwork, pagsusumikap, ang napakarami pang iba. Ang problema lang ay ang pagpapanatili ng disiplina sa sarili ang paglalagay sa tamang lugar at oras ng paglalaro ng computer games. Tulad ng droga, ito'y nakakaadik dahil sa enjoyment at fulfillment na nakukuha rito hanggang sa napapabayaan na ang mga mas importanteng bagay. ...so Masarap nga ba ang bawal? Bawal nga ba? Mali kasi ang pagtingin ng napakaraming tao sa maraming bagay. Subukan nating ibahin ang ating perspektibo at lawakan ang pag-iisip. Masarap mabuhay, masarap maenjoy ang mga bagay sa mundo. Nagiging bawal lamang ang maraming bagay kung sobra at wala sa tamang lugar. Babalik din naman sa iyo ang kalabisan ng mga ginagawa mo, kung adik ka, manyak ka, lasenggero ka... pag may karamdaman ka na o napahamak ka... masarap pa ba?! Hindi bawal kung tama ang paggamit... at totoo namang masarap at nakapagpapabuti sa ating buhay. So... masarap, ang hindi bawal.
Comments